BUTUAN CITY – Tuluyan ng inilibing halos 2,ooo-kilo ng double dead na karneng baboy na nakumpiska ng mga otoridad sa likod ng isang mall sa Agusan del Norte.
Ayon kay Butuan City veterinarian Dr. Mancio Alegado, agad nagabiso sa kanilang tanggapan ang ilang kawani ng regional office ng National Meat Inspection Service nang mabatid ang posibilidad na dumating pa sa siyudad ang maraming karne na hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.
Batay sa ulat, ipinagbigay alam ng pamunuan ng Gaisano Mall sa mga otoridad ang bulto-bultong karne na idineliver umano sa kanila galing sa isang slaughter house sa Cagayan de Oro City.
Hindi naman daw tinanggap ng establisyemento ang mga karne nang malaman na wala meat inspection certificate ang mga ito.
Sa ngayon target daw muna ng NMIS na makipag-ugnayan sa kinauukulan para masampahan ng kaso ang mga sangkot sa insidente.