-- Advertisements --
OFWS 2

Mahigpit na isinailalim sa mabusising pagsusuri ang panibagong mahigit sa 2,000 mga returning overseas Filipinos (ROFs) na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Iniulat ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na batay sa kanilang pagtala ang mga OFW na dumating kahapon ay nagmula sa mga bansang Germany, Barbados, Lebanon, Netherlands, Saudi Arabia at United Arab Emirates.

Agad na isinailalim ang mga ito sa mahigpit na health at security protocols sa paliparan.

Ayon sa PCG, matapos ang swab sample collection sa mga balikbayan ay inihatid sila sa kanilang quarantine hotels habang inaantay ang kanilang RT-PCR test results.

Kung sakaling magnegatibo ang mga ito, hindi na aantayin pa ang 14-days quarantine period at sa halip ay papayagan na silang makaalis patungo sa kanilang mga probinsiya upang doon naman sumailalim sa mga proseso na itinakda ng mga local government units.

Una nang inilabas ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs ang mahigit sa 62,000 na mga OFW na nagnegatibo sa COVID tests.

OFWS 3