-- Advertisements --

Nakadeploy na sa ibat-ibang “places of convergence” sa buong Metro Manila ang nasa 2,000 na mga pulis mula Kampo Crame na nagsisilbing mga reserve force.

Kaninang madaling araw, idineploy ang mga reserve force.

Ayon kay PNP Chief PDGen. Oscar Albayalde, layon ng deployment ng mga reserve force ay para tumulong sa pagpapanatili ng peace and order lalo na ngayon ay long weekend.

Sinabi ni Albayalde na ang mga territorial forces ng PNP ay nakadeploy sa mga sementeryo ang mga reserve force naman ay magpapatrulya sa mga malalaking malls at iba pang mga lugar kung saan magdadagsaan ang mga tao.

Dagdag pa ni Albayalde na may dagdag pang 1,000 pulis na naka assign sa mga opisina sa National headquarters ang idedeploy din.

Bukod sa pagpapatrulya sa mga kalye may mga pulis din ang idedeploy sa mga malalaking malls.

Dinepensa naman ni Albayalde ang deployment ng mga dagdag na pulis at nilinaw na wala naman silang natatanggap na mga banta sa seguridad.