-- Advertisements --

Pina-pull-out na ng national headquarters ang augmentation force ng Philippine National Police (PNP) na idineploy sa probinsiya ng Batangas.

Ayon kay PNP spokesman B/Gen. Bernard Banac, ipinag-utos na ni PNP chief Gen. Archie Gamboa kagabi ang pullout ng nasa 2,000 mga pulis na nagbibigay seguridad sa mga lugar na apektado ng pagputok ng bulkang Taal.

Sinabi ni Banac ang nasabing hakbang ay pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aalala sa mga kalusugan ng mga pulis dahil nakalanghap na umano ng isang sako ng abo mula sa bulkan ang mga ito.

Epektibo ngayong araw, magbabalik na sa kani-kanilang unit sa Camp Crame ang Reactionary Standby Support Force (RSSF).

Ang mga pulis sa CALABARZON ay mananatiling naka-deploy para umalalay naman sa security at relief operations.