-- Advertisements --

Lumipad patungong Ukraine ang nasa 20,000 international volunteers upang makiisa sa paglaban sa pagsalakay ng Russian forces sa bansa.

Ayon kay Foreign Minister Dmytro Kuleba, karamihan sa nasabing mga volunteers ay mula sa European countries.

Marami aniya sa buong mundo ang nagagalit ngayon sa Russia dahil sa mga ginagawang aksyon nito sa nakalipas na mga taon, ngunit kahit isa ay wala aniyang nangahas na hayagang sumalungat at lumaban dito.

Ito aniya ang dahilan kung bakit marami ang nahikayat na makiisa sa paglaban sa Russia nang makita ng mga tao ang katatagan at hindi pagsuko ng Ukrainians laban dito.

Ngunit kasabay ng kanyang pag-unawa sa pagnanais ng mga dayuhan na makibahagi sa pakikipagbakang sa suliraning kanilang kinakaharap ngayon ay ang panawagan nito sa makatanggap ng isang sustainable, political, economic, at military support mula sa buong mundo.

Aniya, kinakailangan din nila ang US leadership dito na may kaakibat na special focus pagdating sa air defense.

Magugunita na una nang hayagang inimbitahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga dayuhan sa kanyang bansa upang maging bahagi ng isang “International Legion” na binuo upang lumaban sa tabi ng mga Ukrainians laban sa Russia.Top