-- Advertisements --
Ibinunyag ng online shopping store na Amazon na nasa 19,800 ng kanilang mga empleyado ay nagpositibo sa COVID-19 simula noong buwan ng Marso.
Ang nasabing kompaniya ay may 1.37 million na frontline workers kasama na ang kanilang mga manggagawa sa Whole Foods Market grocery stores sa Estados Unidos.
Dahil sa nasabing bilang, naging kritiko mismo ng logistics center ang kanilang mga trabahador dahil sa kapabayaan na pangalagaan sila ng kompaniya laban sa pandemya.
Iginiit naman ng Amazon na hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng impormasyon at gabay sa kanilang mga manggagawa laban sa coronavirus.