-- Advertisements --
covid memorial

Mistulang binaha ng mga bandila ng Amerika ang ilang bahagi ng sikat na lugar na National Mall dahil sa itinulos na mga flaglets bilang pag-alaala sa mahigit 200,000 mga namatay sa COVID-19.

Ayon sa mga organizers, umaabot sa 20,000 na maliliit na bandila ang tinipon kung saan bawat isa ay kumakatawan sa 10 American citizens na pumanaw sa deadly virus.

Ang pagtulos ng mga flaglets ay tinaguriang Covid Memorial Project.

Kabilang naman sa nakibahagi sa pagtanim ng bandila ay si House Speaker Nancy Pelosi.

Nagtalumpati rin ito sa ginanap na interfaith memorial service para sa mga namatay.

Sa ngayon umaabot na sa 7.1 million ang COVID cases sa Amerika, habang nasa 206,593 naman ang kabuuang mga namatay mula nang magsimula ang pandemya.

Una nang sinabi kahapon ni US President Donald Trump na “nakakahiya” ang 200,000 death toll kasabay nang paninisi niya sa China na siya umanong nagpakalat ng virus sa buong mundo.

“The Covid Memorial Project is a remembrance of all the lives lost to the Covid-19 pandemic in the United States as we cross the stunning threshold of 200,000 deaths,” bahagi ng pahayag sa fundraising project na nakalathala sa gofundme.com. “This extreme loss of life is staggering — but was not inevitable: the President’s poor handling of the virus response has led to tens of thousands of excess deaths. And this administration has done nothing to memorialize this stunning number of lives lost — instead choosing to downplay, minimize, and ignore whenever possible. No flags lowered, no service held, no day of mourning declared — so the COVID Memorial Project seeks to simply say: these lives are more than a statistic — they were family, friends, neighbors.”