-- Advertisements --

Kanya-kanya nang pag-analisa ang mga eksperto sa Estados Unidos dahil sa kinahihinatnan sa COVID response ng gobyerno.

Iniulat ng University of Washington Institute for Health Metrics and Evaluation (IHME), ang COVID-19 ngayon ang ikalawa sa pangunahing dahilan ng mga namamatay sa Amerika, kasunod sa heart disease.

Kung ikukumpara rin daw, mas marami pa ang namatay sa COVID cases ngayon kahit pagsama-samahin pa ang limang giyera na sinalihan ng Amerika, tula ng Korean War, Vietnam War, Iraq War, war in Afghanistan, Persian Gulf War at kahit idagdag pa ang delubyo sa Hurricane Katrinas at ang 9/11 terror attacks.

Trump UN speech
US President Donald Trump addressing the 75th United Nations General Assembly

Samantala, para naman sa infectious disease expert na si Dr. Anthony Fauci, nakakalungkot na umabot sila sa naturang bilang.

Aminado si Fauci na kabado siya baka mas malagim pa ang sasapitin ng kanilang bansa pagdating ng winter season kung hindi epektibong makokontrol ang virus.

Una rito sa kanyang talumpati kagabi sa United Nations General Assembly, nanawagan ang lider ng Amerika na dapat panagutin ang China sa pagkalat ng deadly virus kasabay nang paninisi rin sa World Health Organization.

“In the earliest days of the virus, China locked down travel domestically, while allowing flights to leave China and infect the world,” pahayag pa ni Trump sa UN. “The Chinese government, and the World Health Organization, which is virtually controlled by China, falsely declared that there was no evidence of human-to-human transmission.”