ZAMBOANGA CITY – Nagsimula na ang second round ng Sabayang Patak Kontra Polio para sa bivalent oral polio vaccine (bOPV) para sa mga batang ‘di baba sa edad na 10 taon.
Ang unang round ng bOPV ay ginanap noong Enero 6 hanggang 12 ng taong kasalukuyan kung saan nakamit ang 105 percent.
Target ngayon ng City Health Office ng lungsod ng Zamboanga ang mahigit na 200,000 na mga bata kung saan manggagaling ito sa 98 na mga barangay ng nasabing lungsod.
Nanawagan ngayon ang local government unit, Department of Health (DOH) Region IX at ang City Health Office ng lungsod ng Zamboanga sa lahat na mga magulang na may anak na ‘di bababa sa edad na 10-anyos na pabakuhan ng anti-polio at tulungan ang lungsod na maging polio-free.
Samantala, magtatapos ang nasabing aktibidad hanggang Pebrero 23 ng kasalukuyang taon.