-- Advertisements --

Nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng American singer na si Kelly Clarkson at talent manager na si Brandon Blackstock matapos maisapinal na ang kanilang divorce.

Base sa divorce settelement, pinagbabayad si Clarkson ng $1.3 million o katumbas ng halos P68 million sa kanyang dating mister, maliban pa sa buwanang spousal support na halos P2.4 million.

Magbibigay din siya ng child support payment na $45,601 para sa dalawa nilang anak na edad pito at limang taong gulang pa lamang.

Nabatid na nagkasundo rin ang dalawa sa joint custody ng kanilang mga anak bagama’t sa poder ni Clarkson titira ang mga ito sa Los Angeles.

Obligado rin ang estranged couple na mapabakunahan ang dalawa nilang anak laban sa Coronavirus Disease 2019 lalo’t may mga pagkakataon na babiyahe ang mga ito sa labas ng Los Angeles kapag oras na para sa kanilang ama.

Taong 2020 nang maghain ng divorce ang first ever winner ng 2002 American Idol first season laban kay Blackstock matapos ang pitong taon na pagsasama bilang mag-asawa. (OMG)