Aabot sa 200,000 first time jobseekers ang nakapag-avail na sa programa ng gobyerno para sa libreng pre-employment requirements.
Ayon kay DOLE Bureau of Local Employment Director Patrick Patriwirawan Jr. ito ay alinsunod sa ipinapatupad na First Time Jobseekers Assistance Act na naisabatas noong taong 2018.
Binigyang diin nito na ang mga dokumento na kailangan para sa pre-employment gaya ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance ay libre.
Sa ilalim kasi ng Republic Act No. 11261 o ang First Time Jobseekers Assistance Act, tinanggal ang fees at charges para sa first time jobseekers sa pag-secure ng mga lisensiya, patunay ng pagkakakilanlan, clearances at anumang iba pang kailangang dokumento para sa employment.
Para makapag-avail ng libreng documentary requirement assistance, kailangan na makapagsecure at magpresenta ang isang first time jobseeker ng certificate mula sa kaniyang barangay na nagsasaad na ito ay first time jobseeker ito man ay senior high school grduate o K-12 graduate o college graduate.