-- Advertisements --
Nakatakdang umangkat muli ang Pilipinas ng hindi bababa sa 200,000 metric tons ng refined sugar sa buwan ng Setyembre ng taong ito.
Layon nitong mapunan ang inaasahang kakulangan sa supply nitong bago ang harvest season sa bansa.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, posibleng bumaba ang supply ng refined sugar pagsapit ng Agosto at Setyembre.
Ipinaliwanag naman ni Sugar Regulatory Administration administrator Pablo Azcona na ang importation program ng DA ay bahagi ng kasalukuyang crop year’s Sugar Order.
Sa ilalim nito, ang mga pre-qualified importers ay papayagang umangkat ng asukal kung sila ay bumili ng asukal mula sa mga local producer.