Mismong si 2012 Miss Universe Olivia Culpo na rin ang gumawa ng memes o katatawanan para sa sarili kaugnay sa nag-trending nitong pag-host sa ginanap na Miss Universe 2020 coronation nitong Lunes.
Kung maaalala, inulan ng kantyaw ang dating Miss Universe titleholder dahil sa walang buhay na hosting stint na sinabayan pa ng pagkunot ng kanyang noo sa announcement of winner.
Pero ayon kay Culpo, walang malisya at sobrang kinabahan lang siya na magkamali kaya todo concentrate sa hawak na cue card.
Kasabay nito ay nag-sorry ang 2012 Miss Universe kung may na-offend man sa kanyang kabadong facial expression.
“I was sooo terrified of reading the wrong country,” “apparently I need to work on my reading face and I’m sorry if this was misinterpreted in any way,” “I swear I’m just concentrating on the words. Every girl was beautiful and most importantly so sweet and kind.”
Kabilang naman sa bersyon nito ng memes para sa kunot noong pag-host, ay ganon daw ang kanyang mukha kapag hindi available ang chicken nuggets sa isang fastfood restaurant.
Si Olivia Culpo ang ka-batch ng Pinay na si Janine Tugonon na tinanghal naman bilang first runner-up sa 2012 Miss Universe.
Sa 2020 Miss Universe naman at ngayong taon lang naidaos, umabot sa Top 21 finish ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo habang kinoronahan ang Miss Mexico.