-- Advertisements --

Inamin nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at negosyanteng si Jeremy Jauncey ang kanilang relasyon.

https://www.instagram.com/p/CA4A24jpooj/

Ito ay matapos na kapwa naging cover sila ng Tatler Philippines ngayong buwan ng Hunyo.

Sa naging panayam ng magazine na nagkaroon ng kakaibang nararamdaman ang negosyante ng unang magkita ang dalawa sa London.

Dagdag pa nito na may kakaibang ‘spark’ sa kanilang dalawa at mainit itong tinanggap.

Masaya rin ito dahil may mga parameters itong inilaan para sa kanilang relasyon at ito ay para maging seryoso.

Nais muna nila nilang magkaroon ng magandang pundasyon ang kanilang relasyon bago ito ipaalama sa publiko.

Bukod sa pagiging negosyante ay naging CEO si Jeremy ng travel agency na Beautiful Destination at naging model ng Filipino clothing brand na Bench.

Noon pang mga nakaraan buwan ay umugong ang relasyon ng dalawa ng kapwa mag-share ng mga ito ng larawan sa kanilang social media.