-- Advertisements --

Umarangkada na ang taunang joint RP-US Balikatan exercises na magsisimula ngayong araw kung saan ang pokus nito ngayon sa humanitarian and response exercises.

Kumpara noong mga nakalipas na taon nakasentro ang mga aktibidad
sa maritime and defense training exercises.

Ayon kay Lt. Gen. Lawrence Nicholson ng US Marine Corps, commander ng 3rd Marine Expeditionary Forces at Co-Director ng Balikatan 2017 na mahalaga sa parehong bansa ang pagtugon sa mga sitwasyong dala ng matinding pinsala ng kalamidad.

Dagdag pa ni Nicholson na marami pa aniyang dapat matutunan ang kanilang tropa mula sa mga sundalong Pilipino na likas na sanay sa pagharap sa mga sitwasyong dala ng hagupit ng kalikasan dahil na ang Pilipinas ay nakakaranas ng malalakas na bagyo.

Naniniwala si Nicholson na inaasahan naman nilang mag iiba-iba ang focus ng balikatan sa mga susunod pang taon.

Sa kabila nito ay nakasisiguro aniya sila na magiging produktibo ito at magri resulta sa mahusay na team building at kooperasyon sa pagitan ng kanilang tropa at ng mga sundalong Pilipino.