Hangad umano ni 2018 Miss Earth-Philippines Celeste Cortesi ang lahat ng makakabuti para sa susunod na magiging kinatawan ng bansa sa Miss Earth ngayong taon.
Pahayag ito ng Fil-Italian beauty sa nagpapatuloy (as of writing) na coronation sa iconic 5-star resort at gaming destination sa Parañaque City kung saan siya ay no show dahil sa matinding allergy.
“Good luck to my next successor, I wish you all the best!” ani Cortesi.
Ayon kay Cortesi, kahapon lang din nang inabisuhan siya ng kanyang mga doktor na magpagaling muna.
“As most of you know, yesterday I had a very bad allergy and following the advice of my doctor I’ll not be able to attend the coronation of miss philippines earth. I wish I could be there to turn over my crown and show my support to all the candidates,” dagdag nito.
Gayunman, nagpapasalamat aniya siya sa mga suportang natanggap mula sa mga ordinaryong fans hanggang sa pageant organizer at siyang pinuno ng Carousell Productions na si Lorraine Schuck.
Aabot sa 40 kandidata ang nagpapatalbugan para makasungkit ng isa sa major crowns, kabilang ang top title bilang 2019 Miss Earth-Philippines.
Kamakailan ay early winner ang pambato ng Cebu matapos ginawaran ng golde medal sa ginanap na swimsuit competition sa El Nido, Palawan.
Noong nakaraang taon ay bigo si Cortesi na maibigay ang back-to-back win ng bansa pero nakaabot hanggang sa Top 8.