-- Advertisements --

Hindi personal na maipapasa ni 2018 Miss Earth-Philippines Celeste Cortesi ang kanyang korona sa magiging successor nito ngayong taon.

Ito’y matapos dumanas ng matinding allergy ang Fil-Italian beauty kaya hindi makakadalo sa coronation ngayong hapon na kasalukuyang ginaganap (as of writing) sa iconic 5-star resort at gaming destination sa Parañaque City.

Ayon kay Cortesi, kahapon lang din nang inabisuhan siya ng kanyang mga doktor na magpagaling muna.

“As most of you know, yesterday I had a very bad allergy and following the advice of my doctor I’ll not be able to attend the coronation of miss philippines earth. I wish I could be there to turn over my crown and show my support to all the candidates,” ani Cortesi.

Gayunman, nagpapasalamat aniya siya sa mga suportang natanggap mula sa mga ordinaryong fans hanggang sa pageant organizer at siyang pinuno ng Carousell Productions na si Lorraine Schuck.

Aabot sa 40 kandidata ang magpapatalbugan para makasungkit ng isa sa major crowns, kabilang ang top title bilang 2019 Miss Earth-Philippines.

Kamakailan ay early winner ang pambato ng Cebu matapos ginawaran ng golde medal sa ginanap na swimsuit competition sa El Nido, Palawan.

Noong nakaraang taon ay bigo si Cortesi na maibigay ang back-to-back win ng bansa pero nakaabot hanggang sa Top 8.