Kinumpirma ng Bolivia-based modeling agency na boluntaryong isinuko ni Joyce Prado ang Miss Universe Bolivia crown nito matapos mabuntis.
Batay sa impormasyon, mismong ang 22-anyos na si Prado ang kumausap sa agency owner na si Gloria Mariana Limpias upang aminin na hindi nito magagampanan ang beauty queen duties.
Nauwi naman ito sa mutual decision na tanggalan ng korona at Miss Universe Bolivia title.
“The reasons (for Prado being stripped of her title) are strictly related to the breach of contract, leaving on record that we maintain cordial relations in a field of mutual understanding, safeguarding the confidentiality clause,†bahagi ng statement ng Promotions Gloria na siyang producer ng Miss Bolivia mula noong 1985.
Sa panig ni Joyce, wala naman itong direktang nabanggit hinggil sa pagkawala sa hawak na beauty queen title.
Bagkus ay inilarawan nito bilang “most rewarding thing in the world” ang pagdadalang-tao kahit pa aniya may kasamang hirap.
Sinasabing two months pregnant na si Joyce sa first baby nila ng kasintahang Paraguayan model na si Rodrigo Gimenez.
Kung maaalala, bigong makapasok si Joyce sa Top 20 ng Miss Universe na ginanap sa Thailand noong nakaraang taon, habang nasungkit ng Pinay na si Catriona Magnayon Gray ang pang-apat na korona para sa bansa.
Base sa Miss Universe website, bawal mabuntis ang sinumang kandidata at kailangang manatiling single sa buong reign nito. (foxnews)