Umangat sa P2.31-milyon ang kabuuang halaga ng assets ni Vice Pres. Leni Robredo noong 2018 batay sa kanyang state of assets, liabilities and net worth (SALN).
Sa hawak na SALN report ng Office of the Vice President galing sa Office of the Ombudsman, nabatid na nagkaroon ng P1.2-milyong increase sa halaga ng mga personal na pag-aari ni Robredo.
Ito’y bunsod umano ng P1.18-milyong in cash at P25,000 na halaga ng prepaid insurance.
Nanatili naman sa P1.74-milyon ang real property value ng bise presidente, gayundin ang liabilities o utang nito na P11.9-milyon mula 2017.
Natukoy ng Ombudsman na nasa 6-percent ang average annual growth sa SALN ni Robredo mula 2013 kung saan nanunungkulan pa ito bilang kongresista ng Camarines Sur.
Nagkaroon lamang ng bahagyang pagbaba sa kanyang net worth noong 2017 dahil sa mga nagastos nito sa kanyang counter-protest kay dating Sen. Bongbong Marcos.