Humingi ng pag-unawa at paumanhin si 2019 Binibining Pilipinas-Universe Gazini Ganados kaugnay sa naunsyaming homecoming nito sa Cebu.
Unang inanunsyo ni Ganados sa isang panayam na sa July 1 siya uuwi sa Cebu kung saan siya lumaki.
Ayon sa 23-year-old Fil-Palestinian model na tubong Dapitan City sa Zamboanga, dahil sa conflict of schedule kaya kinailangang ipagpaliban ang kanyang homecoming.
Proud Bisaya pa rin naman aniya siya at hangad nitong maisapinal na ang kanyang pag-uwi sa Cebu.
“To my dear fellow Cebuanos who are asking, my homecoming has been moved due to conflict of schedule. We will post as soon as updates are finalized.
Thank you for your everlasting, all-out support! I miss you and I hope to see everyone very soon! #Proudbisaya” ani Ganados.