-- Advertisements --

Bagong bago sa panlasa ng nakararami ang ipinakita ng 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2019 sa isinagawang tradisyunal na parada sa paligid ng Araneta Center, Quezon City.

Kung sa mga nagdaang taon ay nakasuot ng bikini ang mga nag-gagandahang dilag, ngayong taob ay nakasuot ang mga iti ng midriff-baring resorts wear at headdresses.

Ayon kay Domz Ramos, official swimsuit designer ng naturang patimpalak, inutusan umano siya ni pageant chair Stella Marquez-Araneta na gumawa ng disenyo para sa gagamiting parade outfits ng mga kandidata.

Sa tulong ng kanyang malawak na imahinasyon ay ginamit nito ang gumamela upang gawing design ruffled off-shoulder top at mini skirt na susuotin ng mga dalaga.

“It’s gumamela, a flower that we find here in the Philippines,” ani Ramos.

Sakay ang mga mamahaling sports car ay ipinarada ng mga kandidata ang kanilang suot.

Libo-libong fans at supporters naman ang dumayo sa Araneta Center upang personal na matunghayan ang kanilang mga paboritong pambato.

Gaganapin naman sa May 29 ang espesyal na fashion show at national costume competition sa New Frontier Theater.

Kokoronahan ang mananalong Bb. Pilipinas 2019 sa June 9 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Dadalo umano sa nasabing patimpalak sina reigning Miss Universe Catriona Gray at reigning Miss Intercontinental Karen Gallman kasama ang kanilang kapwa beauty queens tulad nina Miss International first runner-up Ahtisa Manalo, Miss Supranational finalist Jehza Mae Huelar, Miss Globe semifinalist Michelle Gumabao at Miss Grand International participant Eva Patalinjug.