-- Advertisements --

Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas simula noong Enero hanggang Marso dahil na rin sa delay enactment ng 2019 national budget.

Sa first quarter ng 2019, bumagal sa 5.6 percent ang gross domestic product ng Pilipinas, mula sa 6.3 percent na naitala noong fourth quarter ng 2018.

Bibilis sana ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa 6.6 percent kung nakapag-operate kaagad ang gobyerno sa 2019 budget sa simula pa lamang ng taon, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Magugunita na nalagdaan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Bill noong lang Abril.

“As we had forewarned repeatedly, the reenacted budget would sharply slow the pace of economic growth,” saad ni Pernia.

Ang latest figure sa GDP ng bansa ay ang pinakamabagal sa nakalipas na 16 quarters, magmula nang maitala ang 5.1-percent expansion sa first quarter ng 2015.

Kaya naman sinabi ni Pernia kailangan talagang maghabol at kumayod pa ng gobyerno para makamit ang growth target nito para sa kasalukuyang taon.