CAUAYAN CITY- Naging record breaking ang isinagawang 2019 Dugong Bombo Radyo Cauayan matpos umabot ng halos 1,000 ang successful blood donor.
Ito ay makaraang lahukan ng mga kasapi ng PNP, Phil. Army, BJMP, Phil. Airforce, ROTC Members, Rotary Club, PGBI, mga mag-aaral, mga professionals, mga ordinaryong mga mamamayan, ilang personalidad at iba pang non-government Organizations.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isa sa mga blood donor na si Rosalia Taguba,residente ng Minante Dos, Cauayan City kanyang sinabi na regalo niya sa sarili sa kanyang kaarawan ang pagdodonate nito ng kanyang dugo sa dugong Bombo 2019.
Naniniwala siya na ang kanyang dugo na ipinagkaloob ay makakatulong sa mga nangangailangan
Kumpara noong nakaarang taon na mahigit 300 ang successful blood donor ngayon ay umabot sa sa 990 successful blood donors sa tatlong venue kung saan ginanap ang Dugong Bombo ng bombo radyo Cauayan pangunahin na sa FLDy Coliseum Cauayan City habang ginanap noong November 20, 2019 sa Delfin Vaquilar Gymnasium , Diffun, Quirino at Ilagan Community Center sa City of Ilagan.
Muling nagpapasalamat ang pamunuan ng Bombo Radyo Phils. sa mga bayaning Blood Donors ng 2019 Dugong Bombo, Basta Radyo Bombo.