Gagamitin umano ni Queen Elizabeth II ang kaniyang pre-recorded Christmas message upang ipahatid sa lahat na nagsilbing malaking pagsubok sa royal family ang taong 2019.
Ito ay kasunod ng constitutional crisis ni United Kingdom prime minister Boris Johnson hinggil sa Brexit maging ang pagtalikod ni Prince Andrew sa kaniyang mga tungkulin sa palasyo matapos madawit sa isyu ng sex offender na si Jeffrey Epstein.
Posible rin umano na magbigay kahulugan ang nasabing mensahe tungkol sa Brexit kung saan hinikayat ng Reyna ang buong Eurpoa na magkaisa sa mga panahong nais paghiwa-hiwalayin ang bansa.
“The path, of course, is not always smooth, and may at times this year have felt quite bumpy,” saad ni Queen Elizabeth.
Noong Nobyembre nang madumihan ang reputasyon ng royal family dahil sa ginawang interview ni Prince Andrew kung saan nagbigay ito ng mga detalye tungkol sa kanilang pagkakaibigan ni Eipstein.