Hindi nagpahuli ang mga celebrities-politician na namayagpag din sa katatapos lamang na 2019 midterm elections.
Nanalo si Vilma Santos bilang Congressman ng Lipa City at si Angelica Jones naman bilang bokal sa unang distrito ng Laguna.
Relationship goals naman na maituturing ang pagkapanalo ng mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy-Torres Gomez bilang mayor at kongresista sa Ormoc City.
Masayang masaya rin sina Imelda Papin na nanalong vice governor ng Camarines Sur at Jhong Hilario naman bilang konsehal sa lungsod ng Makati.
Hindi rin nagpatinag ang Revilla Dynasty sa lungsod ng Cavite kung saan nanalo bilang vice governor si Jolo Revilla at Bacoor mayor-elect naman ang kanyang ina na si Lani Mercado. Patuloy pa rin ang paghihintay ng pamilya Revilla sa pinal na bilang ni Bong Revilla na sa ngayon ay mapalad na nakapasok sa magic 12 ng partial and unofficial result ng 2019 senatorial race.
Binasag naman ni Vico Sotto ang matagal nang pamumuno ng pamilya Eusebio sa lungsod ng Pasig matapos niyang maiproklama bilang alkalde ng naturang lungsod.
Si Gian Sotto naman na pinsan ni Vico at nagwagi rin bilang vice mayor ng Quezon City.
Hindi naman pinalad ang ilang celebrities-politician na makasungkit ng pwesto sa gobyerno tulad ni Edu Manzano na tinalo ni Ronald Zamora bilang congressman sa lungsod ng San Juan.
Bigo rin sina Roderick Paulate na tumakbo bilang vice mayor ng Quezon City at artistang si Richard Yap bilang representative sa unang distrito ng Cebu.