-- Advertisements --

Hinihikayat ni 2019 Miss Earth-Philippines Janelle Tee ang kanilang alkalde na si Vico Sotto na magkaroon sila ng “joint efforts” para maikampanya ang advocacy ng nasabing pagent.

Ayon sa 28-year-old beauty mula Pasig, magko-courtesy call uli siya kay Mayor Vico Sotto upang magtulungan sila hindi lamang para maalagaan ang Pasig, kundi ang buong bansa.

“Mayor Vico, I will again pay a courtesy call on you. This time, we’ll work not only for Pasig, but also for the entire country,” saad ni Tee.

Una nang inamin ng bagong kinatawan ng bansa Miss Earth, na ang kanyang game show stint ay nakatulong sa pagkakaroon niya ng disiplina at pasensya sa tuwing haharap sa mga tao na may iba’t-ibang ugali.

“Because with ‘Wowowin,’ you get to meet a lot of people, different personalities—rich and poor—everyone. It makes you versatile,” dagdag nito.

Nabatid na napabilib ni Tee ang mga hurado sa kaniyang sagot patungkol sa eco-tourism at pagbibigay ng trabaho sa mga taong nangangailangan nito.

Noong nakaraang taon ay bigo ang pambato ng Pilipinas na maibigay ang back-to-back win sa Miss Earth pageant pero nakaabot hanggang sa Top 8.