-- Advertisements --
Dumating na sa Palawan ngayong araw ang mga kandidata ng 2019 Miss Philippines-Earth.
Ito’y para sa swimsuit competition na itinakda bukas, July 5, partikular sa El Nido.
Bahagi ang nasabing event ng pre-pageant activities kung saan sasalang pa ang 2019 Miss Earth-Philippines candidates sa iba pang environmental works bago ang finals sa darating na July 10 ng hapon.
Noong nakaraang taon ay ang Fil-Italian beauty na si Celeste Cortesi ang naging kinatawan ng bansa sa Miss Earth pageant kung saan bigo itong maibigay ang back-to-back win ng bansa pero nakaabot hanggang sa Top 8.