Na-appreciate umano ni Gazini Ganados ang ibinulong sa kanya ni Catriona Magnayon Gray kasabay ng pagpasa sa kanya ng korona bilang bagong Miss Universe-Philippines.
Ayon sa 23-year-old beauty mula Talisay City, Cebu, pinalakas ni Cat ang kanyang loob sa pamamagitan ng pagsabi na simula na ito ng bagong kabanata ng kanyang buhay.
“She (Gray) just encouraged me that this will be the start, this will be a new beginning. I appreciate it,†ani Ganados.
Nabatid na all eyes ang lahat sa Filipino-Palestinian model lalo’t ang Pilipinas ang may hawak ng 2018 Miss Universe title.
Kasabay nito, tiniyak ng bagong kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2019 na ibibigay ang kanyang “best” sa kinakailangang training mula sa magiging unique na pagrampa at pagsalang sa interview portion
“We’ve been training. Maybe we will create a walk that would best suit us. And (we will work on) the physical appearance and the Q&A, of course. It is very important to be well informed about the things happening around,†ani Ganados.
Sa coronation kagabi, naitanong kay Ganados kung ano ang gagawin nito para madagdagan ang mga kababaihang nagtatrabaho:
Ganados: “If I win the crown tonight, what I do is to promote my advocacy. My advocacy is for us women to fight for our rights and for the elderly women and for us to know that someone is loving us, someone is pushing us to whatever ambitions that we have. We will be able to rise from our decisions, to whatever dreams that we have, goals that we have, and we will achieve it because of those values, those wisdoms that they gave us. Thank you.â€
Nabatid na ang half Pinay model ay nag-iisang anak ng kanyang single mother at hindi pa kailanman nakilala ang ama na isang Palestinian.
Dahil dito ay lumaking malapit sa kanyang mga lolo at lola si Ganados na naging dahilan upang piliin niya ang mga matatatanda sa kanyang advocacy.
Nabatid na sumali na siya sa Miss World Philippines 2014 at iba pang local pageants.