BUTUAN CITY – Itinakda sa darating na Nobyembre 5 sa Metro Manila ang awarding sa mga bayan at lungsod sa Caraga Region na pumasa sa 2019 Seal of the Good Local Governance o SGLG.
Napag-alamang sa nakaraang araw ng nai-post sa ang opisyal na listahan sa website sa Department of Interior and Local Government o DILG-Caraga.
Nitong taon, halos domoble ang bilang sa 2019 SGLG Passers sa rehiyon na may 19 LGUs na kinabibilangan ng dalawang lungsod at 17 na munisipalidad na dati ay 10 lang.
Ang mga bayan at lungsod na nakakuha ng award ay ang Surigao City, Tandag City; bayan ng Carmen at Las Nieves sa probinsiya ng Agusan Del Norte; Esperanza, Trento at properidad sa Agusan Del Sur; Burgoz, Gigaquit, Mainit, Malimono, Sison, Sta. Monica at Tubod sa Surigao Del Norte; Cagwait, Carrascal, Cortez at Hinatuan sa Surigao Del Sur kasama na ang munisipalidad ng Dinagat sa Dinagat Island.
Sa ngayong SGLG Awards sa pamamagitan ng Republic Act 11292, aasahang sa local government units na mas magiging proactive sa pagpromote ng good governance lalo na ang pagtupad sa transparensiya at accountability sa paggamit sa kaban ng bayan, pagharap sa disaster preparedness and response, pagresponde sa mga nangangailangan, implementasyon sa Health program, investment at employment promotions.