-- Advertisements --

Aabot sa $202-million (P10.5 billion) na loan agreement ang nilagdaan ng Pilipinas at Japan kahapon para sa pagtayo at improvement ng mga kalsada sa Mindanao, kabilang na ang sa Marawi City.

Sinabi ng Department of Finance (DOF) nitong araw na nilagdaan ang naturang kasundan sa pagtatapos ng Philippines-Japan Joint Committee on Infrastructure Development and Economic Cooperation sa Clark, Pampanga.

Target ng mga road projects na ito na palakasin ang mga local economies at bawasan ang kahirapan sa mga komunidad sa pamamagitan nang pag-ugnay sa mga ito sa trade centers sa Mindanao.

Kabilang sa mga lumagda sa loan agreement ay sina Finance Sec. Carlos Dominguez at Japan International Cooperation Agency Senior Vice President Yasuhi Tanaka.