Kakulangan sa oras at kaligtasan ng mga manlalaro ang tanging dahilan kaya nagpasya ang Maharlik Pilipinas Basketball League (MPBL) na kanselahin na lamang ang kanilang 2020-2021 season.
Sinabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, na kinuha nila ang suhestiyon ng maraming manlalaro at karamihan sa kanila ang nagsabi na hanggang walang bakuna laban sa coronavirus ay hindi pa rin sila maglalaro.
kailangan kasi ng walon buwan para matapos ang isang season kaya tiiyak na hindi na nila ito matatapos ngayong taon.
Magiging magastos din sa Local Government Unit kapag nagbukas na sila dahil kailangan ng tuloy-tuloy na pagsuri sa mga manlalaro at mga commissioner.
Sa ngayon aniya ay tatapusin muna nila ang mga natitirang mga laro sa Lakn Season kapag pumayag na ang gobyerno sa paglalaro ng mga iba’t-ibang mga laro.