Iniksian ngayon ng Supreme Court (SC) ang Bar Examination dahil pa rin sa mg concern ng pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ang pananalasan ng bagyong Odette sa mga lugar na pagdarausan ng examination.
Maliban dito, iniksian na rin ng Korte Suprema ang coverage ng prestihiyosong bar examination.
Sa isang statement, sinabi ng SC na matapos ang rekomendasyon ng Bar chairperson ay nagdesisyon ang mga itong iksian ang coverage maging ang duration ng 2020/21 Bar Examinations pro hac vice.
Sa Court En Banc na isinagawa ngayong araw, ang examination ay isasagawa sa Enero 23, 2022 linggo at Enero 25 araw ng Martes.
Mayroong apat na set na examination ang mga bar examinees o kalahati lamang sa dating walong subjects.
Sa ngayon ang apat na set ay ang:
- The Law Pertaining to the State and Its Relationship With Its Citizens
- Criminal Law
- The Law Pertaining To Private Personal and Commercial Relations
- Procedure and Professional Ethics.
Lahat ng mga bar examinees ay naabisuhan na ring sumailalim sa self-quarantine simula sa Enero 9 o dalawang linggo bago ang examination.
Kung maalala ang Bar exam ay isasagawa sana sa apat na linggo simula sa Enero 16.
Ang Bar chairperson ngayong bar exam ay si Associate Justice Marvic Leonen.