Agad nagpaliwanag ang Supreme Court (SC) sa pagpapaliban na naman ng Bar Examination na nakatakda sanang isagawa sa apat na linggo sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay SC Bar Chairperson Associate Justice Marvic Leonen, dahil na rin umano sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ating bansa kaya kailangan nilang muling i-reset ang date ng prestihiyosong eksaminasyon.
May advice na rin daw mula sa mga eksperto na mas maiging ipagpaliban na muna ang bar exam para masiguro ang kaligtasan ng mga bar applicants at personnel na kukuha ng exam.
Dahil dito, isasagawa na sa susunod na taon ang bar exam sa tatlong linggo ng Enero at isang araw ng linggo sa buwan ng Pebrero.
Partikular dito ang mga petsa sa buwan ng Enero na 16, 23 at 30 at Pebrero 6, 2022.
Magpapatuloy pa rin naman daw ang lahat ng preparatory activities ng bar exam gayan ng pagpili ng mga bar applicants ng venue kung saan sila mag-e-exam, pag-download sa secure exam delivery program at iba pang aktibidad.
“After considering the COVID-19 situation nationally and in all the testing sites, as well as receiving advice from various experts, the Supreme Court, after recommendation by the Bar Chairperson, with an abundance of caution and to assure the highest level of safety for all the bar applicants and personnel, decided to reset the Bar Examinations from November 2021 to January 16, 23, 30, and February 6, 2022. The application period will not be reopened. All preparatory activities for the Bar Examinations, including the selection of the bar applicants of their venue, downloading of the secure exam delivery program, and other activities, shall continue,” ani Leonen.
Kasunod nito, todo pa rin naman ang paalala ni Leonen sa lahat ng mga bar applicants na mag-review nang mabuti para pumasa sa eksaminasyon.
Binigyang diin ng associate justice na ang target ng mga applicant ay hindi lamang maipasa ang bar examination kundi para makapagsilbi sa iba sa hinaharap.