-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Aminadong sumakit ang ulo ni Bituin Escalante bilang isa sa apat na judges ng katatapos lang na Bombo Music Festival 2020.

Sa panayam ng Star FM Bacolod sa singer, sobra silang nahirapan sa pagpili kung saan puro magagaling ang 12 finalists na naglaban noong January 11, 2020 sa West Visayas State University Cultural Center sa La Paz, Iloilo City.

Itinuturing niyang isang regalo na masaksihan ang galing ng mga local artist pagdating sa musika.

“Sakit siya ng ulo, ang hirap pumili. These guys are so gifted, a gift to witness so many good song writers come on stage. And Mr. C (Maestro Ryan Cayabyab) said it himself, it’s nice to see unfamiliar names, because you know there such a healthy crowd of new song writers,” paliwanag ni Escalante.

Magugunitang napapasayaw at napapalakpak pa si Bituin habang pinapanuod at pinapakinggan ang mga performers.