-- Advertisements --
Inihahanda ng isumite ng Department of Budget Management (DBM) sa Kongreso para aprubahan ang proposed P4.1 trillion 2020 national budget.
Sinabi ni DBM Officer-in-Charge Janet B. Abuel, target nilang isumite ito sa buwan ng Hulyo at pinag-aaralan nilang gawin itong fully cash-based system.
Isusumite ito sa pagsisimula ng 18th Congress o ilang araw matapos ang gagawing State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw ni Abuel na kanilang isinusulong ang cash budgeting subalit pag-aaralan nila ang transiton at kung ano ang mangyayari hanggang sa matapos ang taong 2019.