-- Advertisements --
Tinapos na ng Senado ang plenary debates sa proposed P4.1 trillion 2020 nationa budget.
Huling naisalang ang mga budget ng Department of Transportation (DoTr), Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Department of Interior and Local Government (DILG).
Walang anumang pagtatanong ang ginawa ng mga mambabatas sa budget ng PCOO habang sumalang pa sa masusing pagtatanong ang mga budget ng DILG at DoTr.
Tiniyak naman ng ilang mga mambabatas kanilang maipapasa na ang budget sa susunod na linggo bago ang christmas break.
Kung maalala ang 2019 national budget ay nabalam ng husto at inabot pa nitong unang bahagi ng taon bago pormal na naipasa.