Tiniyak ni Sen. Panfilo Lacson na babantayan nila sa Senado ang na-monitor na pork barrel ng mga kongresista para sa national budget ng taong 2020.
Ayon kay Lacson, mismong mga kongresistang tutol sa pork barrel ang nagsabi sa kaniya na may P100 million pork barrel para mga miyembro ng lower House.
Ipapasok daw ito sa individual amendments, ilang araw matapos ipangalandakan na tapos na ang budget deliberation sa Kamara.
Maliban dito, P16 billion daw ang para sa 22 deputy speakers ng lower House.
“Sinabi nila per district P100M. Nasaan ang items? Ano ang description? At nasaan yan? Kung introduce pa lang nila as individual amendments, na bawa’t isa P100M, if it is not pork, I don’t know what it is,” wika ni Lacson.
Kaya kung pag-iisahin, papalo umano ito sa 54 billion pork barrel.
“When we are talking of P700M per congressman, times 300, that’s P21B. Plus P33B per deputy speaker kung matutuloy na P54B in pork,” dagdag pa ni Lacson.