Nangako si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magiging topmost priority na ang pagpasa ng 2020 national budget sa pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre 4, 2019.
Ayon kay Zubiri, ang Senate finance committee ay magkakaroon na ng marathon hearings para sa proposed P4.1 trillion annual government fund.
Giit ng opisyal, hindi na nila hahayaang maging atrasado ang pagsasabatas ng pambansang pondo dahil sa mga nakabinbing proyekto ng pamahalaan.
Pero maliban sa general appropriations, inaasahan ding matatapos na ang debate ukol sa walong mahahalagang panukala na nakabinbin sa kanilang panig.
Kabilang na rito ang night shift differential pay para sa government employees, paglikha ng hiwalay na pasilidad para sa mga bilanggong convicted sa heinous crimes, pagtataas ng excise tax para sa alcohol products, sigarilyo, vapor products at marami pang iba.