Sisiguraduhin umano ni Democratic nominee Joe Biden na mananagot ang mga bansang susubukan makisawsaw sa nalalapit na 2020 US Presidential Elections.
Ito ang naging pahayag ng dating bise-presidente ng Amerika sa huling pagtapat nila ni President Donald Trump, labing-dalawang araw bago ang halalan.
“Any country, no matter who it is, interfering in an American election will pay a price,” saad ni Biden.
Wala umanong pakialam si Biden kung anong bansa ang mangingialam sa eleksyon pero sisiguraduhin aniya nito na hindi basta makakalusot ang kanilang plano.
“This election, we know that Russia has been involved, China has been involved to some degree, and now we learn that Iran has been involved. They will pay a price if I’m elected,” dagdag pa nito.
May kaugnayan ito sa inanunsyo ng ilang intelligence officials na sinusubukan umano ng Russia at Iran na pakialaman ang nalalapit na halalan.
Tila hindi naman kumbinsido rito si Trump, aniya may mga nakalap daw itong impormasyon na tumatanggap si Biden ng pera mula sa mga foreign companies. Mariin naman itong pinabulaanan ni Biden
“I have not taken a penny from any foreign source ever in my life,” ani Biden.