-- Advertisements --
House of Rep
House of Rep/ FB post

Umaasa ang ilang kongresista na walang antalang mangyayari sa pagproseso ng Kongreso sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Para kay Makati City Rep. Luis Campos, malaki ang epekto sa ekonomiya ng bansa kapag magkaroon muli ng antala sa 2020 proposed budget kagaya ng nangyari naman sa 2019 budget.

“When the biggest consumer – the national government – is unable to spend dynamically due to a deferred budget, the entire economy suffers,” ani Campos.

Kaya mainam aniya na maipasa ng Kongreso ang 2020 budget sa huling linggo ng Nobyembre o sa unang linggo naman ng Disyembre.

Iginiit ni Campos na “extremely harmful” sa ekonomiya ng bansa ang budget delays.

Kung maaalala, ang approval sa 2019 budget ay ilang buwang naantala dahil sa hindi pagkakasundo rito ng mga mambabatas dahil sa mga natuklasang maanomalyang probisyon.