-- Advertisements --
BIDENS

Inanunsyo ni Hunter Biden, anak ni dating US Vice President Joe Biden, na handa umano itong bumaba sa pwesto bilang isang opisyal sa isang pribadong equity fund kung sakaling manalo ang kaniyang ama sa 2020 presidential elections.

Ang anunsiyong ito ay kasunod ng walang katapusang tirada ni President Donald Trump sa mga Bidens sa kabila nang gumugulong na House impeachment inquiry kaugnay ng pamimilit umano nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na imbestigahan ang dating bise presidente.

Ayon kay Trump, di-umano’y tinulungan si Hunter ng kaniyang ama upang magkaroon ng posisyon sa isang Ukrainian natural gas company noong naglilingkod pa ang kaniyang ama bilang bise presidente ng Amerika.

Una nang nilinaw ng Obama administration, American allies, International Monetary Fund at Ukrainian anti-corruption activists na hindi nila nagustuhan ang naging performance ni Vikor Shokin na naging prosecutor general ng kompanya noong 2015.

Wala ring nakitang ebidensya na magpapatunay sa maling ginawa ng mga Bidens.

Nangako rin si Hunter na ito na hindi ito magta-trabaho sa kahit anong foreign-owned companies o magsilbi bilang isa sa board of members sa oras na manalo si Joe sa kaniyang kampanya.

“Hunter always understood that his father would be guided, entirely and unequivocally, by established U.S. policy, regardless of its effects on Hunter’s professional interests,” saad sa pahayag na inilabas ni attorney George Mesires.

“He never anticipated the barrage of false charges against both him and his father by the President of the United States.”