-- Advertisements --
Nakatakdang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 General Appropriations Act (GAA) o ang P4.506 trillion national budget sa darating na Disyembre 28 sa Davao City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, dadalo ang limang kongresista at senador sa naturang ceremonial signing.
Ayon kay Sec. Roque, natanggap ng MalacaƱang ang kopya ng 2021 budget noong Byernes at bubusisiin itong maigi ni Pangulong Dutetre para tingnan kung mayroong mga line item na dapat i-veto.
Popondohan ng 2021 budget ang healthcare system ng bansa, public and digital infrastructure at ang patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic kasama ang pambili ng mga aangkating bakuna.