-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na gagawin nito ang lahat para mabusisi at malagdaan sa oras ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinasang 2021 national budget.

Sa ngayon daw ay hindi pa natatanggap ng Malacañang ang enrolled copy ng General Appropriations Bill (GAB) na niratipikahan ng Kongreso kagabi.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bibilisan ng Office of the President (OP) ang pagbusisi sa 2021 national budget para mapirmahan ito ni Pangulong Duterte bago matapos ang taon.

Ayon kay Sec. Roque, susuriing mabuti ng Office of the Executive Secretary (OES) ang bawsat probisyon ng panukalang batas para matiyak na walang makalusot na labag sa batas.

Kung kinakailangan umano ng line veto ni Pangulong Duterte ay gagawin niya ito.