-- Advertisements --

NAGA CITY – Maipapasa na aniya sa tamang oras ang 2021 National Budget matapos mahalal bilang bagong House Speaker si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

Ito ay matapos tuluyan nang magwakas ang girian sa pagitan ni dating House Speaker Allan Peter Cayetano at Velasco sa mababang kapulungan ng Kongreso hinggil sa House Speakership sa Kamara matapos makuha ni Velasco ang majority vote na 186 mula sa mga kongresista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin, naniniwala ito na malaki ang naging tulong ng apela ni Pangulong Rodrigo Duterte na atupagin muna ang pagtalakay ng naturang pondo para sa susunod na taon.

Samantala, nilinaw naman ni Garbin na maaari pang mabawasan ang P4.5-trilyonf proposed budget para sa 2021 ngunit hindi na umano ito maaari pang dagdagan.