-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang adjustment ngayon ng mga atletang Pilipino upang makabisado ang venue ng kanilang laro.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay 2021 SEA Games Pencak Silat gold medalist Francine Padios, sinabi nito na nahihirapan sila ngayon sa paghahanda lalo pa at matindi ang init ng panahon na nararansan ngayon sa Cambodia.

Sa kabila nito ay pursido umano siya na muling makapag-uwi ng medalya upang makapagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

Nakatakda ang unang laro ni Padios sa Mayo 6 kung saan makakaharap nito ang ilang mga Pencak Silat athletes mula sa iba’t ibang mga bansa, na itinuturing na rin aniya niyang kaibigan.

Samantala sinabi ni Padios na hindi siya nagpapaka-kumpiyansa dahil alam niya na lahat ng mga nakaharap niya sa nakalipas na SEA Games ay naghanda rin at pursigido ring makapag uwi ng medalya.

Aminado rin ito na malaking pressure ang kaniyang nararamdaman dahil sa expectations ng mga kababayan subalit magiging masaya aniya siya kahit hindi gintong medalya ang kaniyang maiuuwi ngayong taon.