-- Advertisements --
Hindi pa rin matutuloy ang 2021 Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) mananatiling kanselado ang nasabing festival hangga’t hindi pa nagbubukas ang mga sinehan.
Ang nasabing desisyon ay napagpasyahan sa ginawang pagpupulong ng 2021 Metro Manila Film Festival Executive Committee (MMFF EXECOM) na pinamumunuan ni MMDA Chairman Benhur Abalos.
Dahit dito, nakatuon na lamang sila para sa taunang MMFF sa buwan ng Disyembre.
Mayroong hanggang Hunyo 30 ang deadline na dapat sumulat ang mga interesado na sumali at ang announcement ng walong official na kalahok ay sa Oktubre 15.