Inaprubahan ng senado ang pagbawi sa panukalang 2022 budget ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ang nasabing motion ay inihain ni Seantor Pia Cayetano dahil umano sa reklamo umano ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kay Pinoy pole vaulter EJ Obiena.
Pinapabalik kasi ng PATAFA kay Obiena ang nasa P4 bilyon mahigit matapos na magsumite ito ng mga pekeng liquidation bilang bayad sa coach nito na si Vitaly Petrov.
Sinabi ni Cayetano na mayroong matinding epekto sa emotional at mental behavior ng atleta dahil sa akusasyon kung saan tikom naman ang bibig ng PSC ukol sa nasabing usapin.
Nauna ng pinabulaanan ni Obiena ang alegasyon at maging ang kaniyang coach ay naglabas na rin ng pahayag na ito ay nabayaran ng tama.
Naghain na rin si Obiena ng counter-complaint sa Philippine Olympic Committee, International Olympic Committee at sa World Athletics laban sa PATAFA.
Hiniling din ni Obiena ang public apology ng PATAFA sa nasabing usapin.
Nagmatigas naman ang PATAFA na kanilang itutuloy pa rin ang imbestigasyon.