-- Advertisements --

Sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘urgent’ ang proposed P5.024 trillion national budget para sa 2022.

Sa sulat ng pangulo kay House Speaker Allan Velasco na mahalaga ang agarang enactment ng House Bill 10153 o ang 2022 General Appropriations Bill.

Nararapat na ito ay agad na tugunan para matiyak ang performance ng gobyerno.

Kapag ang panukalang batas ay na-sertipikahan bilang ‘urgent’ ay hindi lalampasan na ng kongreso ang three-day rule na nag-aatas sa mga mambabatas na ipasa agad ito sa huling pagbasa matapos na dumaan sa ikalawang pagbasa.