Naniniwala si Boston Celtics Forward Jayson Tatum na malaking tulong ang kanilang naging karanasan sa pagharap sa Golden State Warriors noong 2022 championship.
Ayon kay Tatum, maraming natutunan ang kanyang team nang hinarap ang Warriors na sa championship game, kasama na ang tuluyan nilang pagkatalo sa loob ng anim na game.
Sa pagkakataong ito ay iba na aniya ang ilalaro ng kanilang lineup at excited na umano ang buong team na maipanalo ang laro.
Dagdag pa ni Tatum, kasunod ng kanilang pagkatalo noong 2022 ay ipinangako niya sa kanyang sarili na kapag nabigyan pa ng panibagong pagkakataon na makapaglaro sa Finals, hindi umano niya ito ipagsasawalang-bahala.
Ayon naman kay Jaylen Brown, ang dalawang taon na lumipas mula noong 2022 championship ay mahabang panahon na upang makapag regroup ang koponan.
Nananatili aniya ang core ng grupo at nagawa nilang mapanatili ang kanilang samahan sa kabila ng mga hamon sa mundo ng NBA.
Isa sa mga pangunahing player na naidagdag sa koponan ng Boston ngayong season ay ang dating guard ng Milwaukee Bucks noong 2021 championship na si Jrue Holiday.
Maliban sa shooting power ni Holiday, kilala rin ang kaniyang depensa na isa sa mga itinuturong nagpanalo sa Bucks noong 2021.
Gaganapin bukas, June 7, ang unang game sa pagitan ng Dallas at Boston sa homecourt ng huli.