-- Advertisements --
magsaysay awards

Inanunsyo na ang mga nanalo sa prestihiyosong Ramon Magsaysay Awards para sa taong ito.

Ang Magsaysay Awards ang itinuturing na Asia’s premier prize at highest honor na inihahalintulad sa Nobel peace prize.

Kabilang sa kinilala sa kanilang kagalingan, liderato at pagkilala sa pagtulong sa kapwa ay si Sotheara Chhim mula sa Cambodia, isang psychiatrist at mental health advocate; Tadashi Hattori na isang Japanese ophthalmologist na nagbibigay ng libreng operasyon sa mata doon sa Vietnam; mula naman sa Pilipinas ay si Dr. Bernadette Madrid, isang pediatrician; habang ang espesyal na award para sa emergent leadership ay napunta kay Gary Bencheghib ng Indonesia.

Sa global announcement event ng Board of Trustees ng Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) ipinaliwanag ang pagpili sa mga awardees.

Si Chhim daw ang itinuturing na leading voice sa Cambodian trauma syndrome.

“His calm courage in surmounting deep trauma to become his people’s healer; his transformative work amidst great need and seemingly insurmountable difficulties, and for showing that daily devotion to the best of one’s profession can itself be a form of greatness,” bahagi ng citation award.

Kahanga-hanga rin naman ang buhay ni Hattori na binansagang “sight-saving humanitarian.” Ito raw ang simbolo ng isang “individual social responsibility.

“His simple humanity and extraordinary generosity as a person and a professional; his skill and compassion in restoring the gift of sight to tens of thousands of people not his own; and the inspiration he has given, by his shining example, that one person can make a difference in helping kindness flourish in the world.”

Si Madrid naman na isang children’s right crusader ay maituturing na kampeon ng bawat batang Pinoy. Isinulong niya ang karapatan ng mga bata, proteksiyon at pagkalinga sa mga inabusong mga bata sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“Her unassuming and steadfast commitment to a noble and demanding advocacy; her leadership in running a multisectoral, multidisciplinary effort in child protection that is admired in Asia; and her competence and compassion in devoting herself to seeing that every abused child lives in a healing, safe, and nurturing society.”

Samantala si Gary, 27, naman na isang Frenchman ay nakilala bilang anti-plastic pollution warrior. Naging misyon niya ay paglilinis sa marine plastic pollution sa Bali, Indonesia.

“His inspiring fight against marine plastic pollution, an issue at once intensely local as well as global; his youthful energies in combining nature, adventure, video, and technology as weapons for social advocacy; and his creative, risk-taking passion that is truly a shining example for the youth and the world.”

Ang mga nanalo sa annual Ramon Magsaysay awards ay tatanggap ng certificate, medallion na mukha ni Magsaysay, at cash prize na $50,000.

pres ramon magsaysay
Pres. Ramon Magsaysay

Sa marami nang nagawaran ng naturang prestigious regional award kabilang na sa mga ito ang santa na si Mother Teresa ng Calcutta at ang exiled Tibetan spiritual leader na si Dalai Lama.

“The extraordinary work of the 2022 Ramon Magsaysay Awardees is testament to the borderless and limitless possibilities of Greatness of Spirit. This year’s Magsaysay Laureates allow us Asians to be prouder of our identity and heritage,” ani Susan Afan, presidente ng Ramon Magsaysay Award Foundation.

Pormal namang igagawad ang Ramon Magsaysay Award sa gaganaping presentation ceremonies sa November 30, 2022 sa Ramon Magsaysay Center sa Maynila.

Ang 64th Ramon Magsaysay Awards Festival Season ay merong theme na “Greatness of Spirit Beyond Borders.”